Tuesday, April 22, 2014

NEGOSYONG IHAWAN

Posted by James Sarmo

Para sa ibang tao, hassle ang mag-ihaw lalo na’t kapag wala silang oras magluto o ayaw nilang mausukan at mainitan.

Kaya’t ikaw ang mag-iihaw para sa kanila. Karaniwang naghahanap ng taga-ihaw ang isang costumer kapag may handaan o salo-salo sa kanilang bahay. Eto na ang pagkakataon mong kumita nang extra sa simpleng trabaho lang na pag-iihaw.

Maari kang tumanggap ng made to order na ihaw. Itanong lamang sa costumer kung ano ang gusto nyang ipaihaw sa iyo (barbecue, isaw, liempo, posit, manok, bangus o isda, atbp.) Tanungin kung pang-ilang tao at kung malaking servings ba ang kanyang nais. Maaring sia ang mamalengke o ikaw. Kapag maniningil, humingi muna ng downpayment maliban na lamang kung ang tiwala mo sa kanya at may capital ka. Isumatutal ang magagasta para sa sangkap, pampalasa, uling, transportasyon tapos magdagdag ng 10% sa kabuuan ng total ng lahat ng gastusin bilang kabayaran sa pagod mo. Maiging humingi muna ng downpayment bago iluto ang pagkain para makaiwas sa pagkalugi kung sakaling hindi makafull payment ang costumer mo. Maghanada ng resibo kung saan ililista mo ang kanyang downpayment at natitirang balance. Sa pagdedeliver mosa kanya ng mga inihaw, magmark up ng 40% bilang pambayad sa pagod o gasoline at tauhan mo.

Maganda ang negosyong ihawan hindi lamang pag may handaan. Sa tuwing tinatamad o walang oras magluto ang maybahay,bumili na lamang siya ng lutong pagkain. Masarap din ang ihaw-ihaw bilang pulutan. Masarap naming pagkain ang inihaw kapag handaan. Sa katunayan, parang may kulang pag walang inihaw sa hapagkainan. Araw-araw naman ay may nagdiriwang ng kanyang kaarwan. Isama mo diyan ang mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko, bagong Taon, kasalan, despedida atbp.

Pag aralan kung papaano mapapasarap ang marinade na gagamitin. Maari mo munang ipakulo ang karne bago iihaw para lumambot o di kaya’y magdagdag ng siling labuyo at barbecue sauce sa pangkaraniwang toyo at kalamansi na ginagawang marinade. Maari ring gumami ng 9-minute marinator para mas lalong lumambot ang karne at sipsipin ang mga pampalasa.

Kapag may secret at unique recipe ka para sa mga inihaw mong produkto, asahan na dadami ang iyong mga parokyano. Maari ka ring dayuhin ng mga galling sa malalayong lugar matikman lang ang espesyal mong inihaw.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo

______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

Saturday, April 19, 2014

ICE CANDY, ICE TUBIG ATBP.

Posted by James Sarmo>> 

Kapag nakaipon ka ng malaki mula sa iyong sweldo, magandang mag invest sa isang freezer, dahil marami kang pwedeng pagkakitaang negosyo mula rito.

Kung wala pa kayong naipon, maari niyo nang simulant ngayon. Sa p20 kada araw na maipon ninyo x 365 days = P7,300 x 2 years = P14, 600 ay makkabili na kayo ng maayos na freezer maari kayong mainip sa pag iipon pero isipin niyo na lang na madaling lumipas ang panahon. Hindi ninyo basta basta kkitain ang P7,300 sa isang araw sa isang lingo subalit ang P20 kada araw ay patuloy na lumalaki ang halaga kaya’t siguraduhin lamang na madidisiplina ninyo itong ipunin sa isang lalagyan na my kandado o mas mabuti sigurong ihulog sa isang alkansya para hindi kayo matutksong gastusin ito kung pangarap ninyo talagang magkaroon ng freezer.

Once may freezer na kayo, marami kayong iimbak bukod sa sarili ninyong pagkain. Pwede kayong mag imbak ng ice candy na pwede ninyong ibenta ng P2 kada piraso. Patok ito sa mga bata o matandalalo na tuwing summer (hindi naman nagtatapos ang summer sa buwan ng Mayo sa atin dahil likas na mainit sa Pinas). Pwede kayong magbenta ng ice tubig na mabebenta ninyo mula P2 hanggang P3 kada piraso. Mayroon kyong costumer para ditto lalo na  pag lagging puno ang ref ng inyong kapitbahay o di nila kayang bumili ng sariling ref. Maari rin kayong makapagsimula ng meat processing business na kayo mismo ang nag prepare gaya ng chorizo, longganisa, shomai burger patty atbp.

Kapag may nagpapatago ng pagkain sa inyo, maari nyo rin silang singilin ng P10 kada pagkain, listo nyo lang sa isang notebook ang pangalan, cp number ng may ari at markahan ng numero ang plastic na pag lalagyan ng kanyang pagkain. Kailanganng makuha ng costumer ang kanyang pagkain kinabukasan at kapag lumipas, magapatong kayo ng P10 kada araw. Siguraduhin na kina-canvass ninyo ang laman ng inyong freezer at paalalahanan ang may air ng pagkain na kunin niya na ang kanyang pinatago nang di lumilipas sa 2 araw para hi hindi magkapatng patong ang kanyang utang. Pwede ninyo siyang twagan or i-text para –remind. Maiging magkaron ng kayo ng patakaran para hindi mabubulok ang pinatagong pagkain.
Ilista ang mga ice candy, ice tubig at mga pinatagong items sa isang notebook. Maari magkaron ka ng hiwalay na notebook para sa pinatagong pagkain sa mantalang maari mong i-column ang nebebntang ice candy at ice tubig sa hiwalay na notebook. Kada ice candy at ce tubig na maibebenta, magguhit ng I, II, III, IIII.

Consumable ang ice candy, ice buko at meat processing products. Asahan na kailangan ninyong i-replenish ang inyong supply sa freezer kapag marami na kayong suki. Siguraduhin lamang na malinis na tubig at sangkap (hindi double dead ang karne) ang inyong gagamitin. Kahit may kamahalan ang kuryente sa Pilipinas, tutubo kayo kahit papano pag marami na kayong suki na paulit-ulit na bumibili at nagpapatago ng pagkain sa inyo.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo

______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

Tuesday, April 15, 2014

COFFEE VENDING MACHINE

Posted by: James Sarmo

May mga taong sadyang mahilig magkape lalo na’t kapag pagod, inaantok, umuulan, pagkaraang kumain, atbp. Sa katunayan, hindi kumpleto ang umaga para sa karamihan kung hindi sila nakakahigop ng mainitn kape.

Kung kaya’t magandang mag invest sa isang coffee vendo machine. Hindi mo na kailangan pang bumili ng 3-in-1 at magpakulo ng tubig sa negosyong ito. At ito ang na ang pinakamurang kape na kayang kyang bilhin ng maimimili sa halagang P5 per cup. Bukod sa kape, mayroon ding chocolate at caramel ang vendo machine. Kung ikaw ay may kasalukuyang puwesto, magandang bumili ka ng isang coffee vendo machine pampadagdag sa income. Maganda itong katerno ng sari-sari store o0 mini-grocery store. Mas mainam kung 24/7 oras tumatakbo ang negosyo mo gya ng 7-11. Kung balak mo naming ilagay ito sa opisina, eskwelahan, mall o MRT, magandang ternuhan mo ito ng monay o hopia.

Ayon sa sulit.com.ph(olx.com) tutubo ka ng P1.70 net sa bawat cup ng kape kaya kikita ka higit kumulang 5K pataas sa isang buwan kung makakabenta ka ng 100 na tasa kada araw. Mababawi mo agad ang puhunan mong 15K sa loob ng 3 buwan.

Ang Vendo machine kapag pinasukan ng P5 sa coin slot ay automatic na nagtitimpla ng kape na may kasamang coffee cup. Kapag naubos, ibubuhos mo lang ang mga timpladong kape, tsokolate at caramel sa loob ng mga container ng vendo machine. Kapag ang tubig naman na nakapatong sa vendo machine ang naubos, papalitan mo lang ito ng panibagong distilled water. Marami na ang nakatikim ng tinitindang kapeng ito at hindi kayo mapapahiya sa lasa ng kape, tsokolate at karamel.

Mabibili mo ang coffee vendo machine sa sulit.com.ph. sa halagang hindi lalampas ng 15k bawat machine. I-search lang ang coffee vendo machine. May mga vendo machine din na may lifetime service warranty.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo

______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

NEGOSYONG BUKO JUICE

Created by: James Sarmo

Pinanininwalaang maraming nadudulot na helath benefits ang buko juice. Ang isa na rito ay mainam ito para linisin ang kidney. Dahil sadyang maalat ang Filifino Food, ilan ba sa atin ang namomroblema sa kidney?

Dahil health-concious ang karamihan sa atin, marami ang naghahanap at gustong makainom ng masarap na buko juice kahit araw-araw nilang gawin ito. Maniniwala ba kayong fast-moving item ito sa supermarket dahil marami ang bumibili ng bote bote ng buko juice para inumin buong maghapon?

Itinda mo man ito sa kariton, ipa-consign sa supermarket o magfranchise at magtinda sa mall o daanan ng tao, sa halip na bumili ng softdrinks o maging mineral water, madalas pipiliin ng costumer ang uminom ng buko juice, mainit man o malamig ang panahon.

May tatlong paraan para magbenta ka ng buko juice:

Ang una ay pwede kang maglako sa pamamagitan ng kartion. Maari kang bumili ng buko mula sa murang palengke nang pakyawan at ilagay ito sa iyong kariton. Ikaw ang magbabalat at mag-extract ng buko juice. Pwede mo itong ihalo sa malinis na tubig at asukal di naman kaya’y talupan kung gusto ng costumer mo ang purong buko juice. Kailangan lamang ng kuning pag-iingat s pagtataga ng buko. Siguraduhin na matalim ang iyong itk para mabilis nyong maseserbisyuhanang inyong dumadagsang costumer. Hugasan din ng maige ang mg kagamitang gagamitin.

Kung ayaw mo namang maabala sa pagnenegosyo ng buko juice, maari ka ring magfranchise at sila na bahala sa supplies, equipment at manpower ng iyong buko juice stall. Kapag meron kang capital, madali na ang pagnenegosyo. Pwede mo ring utusan na lang ang iyong tauhan para i-replenish ang supply mo sa buko. Hanapin lang sa search box ng sulit.com.ph(olx.com) ang buko juice franchise at pumili ng negosyon swak sa iyong budget at lokasyon.

Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang farm, maari mo ring tamnan ng buko ang iyong lupa. S paraang ito, sa farm mo na ikaw kukuha ng supply mo ng buko, at maari ka ring magbenta sa maliit na negosyante.

Bukod sa buko juice, marami ring produktong napro-produce ang buko. Walang nasasayang sa bunga ng buko. Kung ito’y nahinog, ibenta ang niyog sa mga palengke. Pwede  ring gawinng bunot. Ang dahon naman ay maaring gawing walis tingting. Maari mo ring pag-aralan kung paano gumawa ng mga bath and body products gaya ng shampoo mula sa buko.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo

______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

Saturday, April 12, 2014

BUBBLE MACHINE FOR RENT

Posted by James Sarmo

Lahat ng bata, mula edad isa hanggang anim, mapalalake man o babae, ay matutuwa kapag may bubbles sa isang party. Mas okay gamitin ang bubble machine kaysa mga balloons na karaniwang ginagamit sa children’s party, sapagkat ito ay gumagalaw sa hangin at pumuputok. Samkatuwid ang bubbles ay mas aktibokung ikukumpara sa balloons. Tiyak na kagigiliwan ito ng mga bata.

Subalit, alam nyo ban a napakamura lang ng puhunan para sa isang bubble machine? Mabibili ninyo ito sa halagang P1,500 sa e-bay or sa sulit.com.ph (olx.com). Maari ninyo itong iparenta sa inyong mga kakilala, kapitbahay, kaibigan at kamag-anak sa halagang P100 kada araw basta’t mag iiwan lang sila ng valid ID sa inyo. Eto ang description ng pinakamurang bubble machine sa sulit.com.ph.

BRAND NEW IN BOX
PORTABLE BUBBLE MACHINE Now @ P1,500 Only
Great for every PARTIES or any EVENTS (Indoor or Outdoor)

Made of Thick Gauge Steel, Swivable Arm and Titable Platform
Voltage: AC 100-230V
Frequency: 50-60Hz
Power Consumption: 25W
Fuse: 3 Amperes
Motor: AC110V/230V/20RPM
Liquid Consumption: 1.2 Liters per Hour
Function:
Output Distance is 2.0 meters
Outline Size: 280 (length) x 250 (width) x 250 (height)
Packing Size: 330(length) x 300 (width) x 310 (height)

We’re open from Monday to Friday (8AM-4PM)
FOR MORE INFO: Call or Text 0908-368-1995 Smart / 0932-886-7801 Sun

PICK-UP @ 10th Avanue West, near Caloocan City Hall
OPT FOR DELIVERY? We send thru cheapest and trusted courier

FLAT RATE OF P350 NATIONWIDE *Serviceable area only*

Bigyan lang ng instrucion ang magrerenta ng bubble machine kung papaano gumawa ng bubble solution. I-desolve lang lang ang dishwashing liquid sa tubig at dagdagan ng kaunting asukal para maging malapot. Payuhan na wag dilaan ng mga bata ang bubbles.

Maari kang maglagay ng sineage sa harap ng bahay ninyo na nagpaparenta ka ng bubble machine. Pwede mo itong i-display sa tarpulin na may kasamang litrato ng bubble na tumatakbo. Maaring ilagay mo sa ad ang sumusunod:

FUN BUBBLE MACHINE FOR RENT
GREAT FOR CHILDREN'S PARTY
Safe and Simple to operate. Inquire inside.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo

______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

NEGOSYONG BIGASAN

Created by: James Sarmo

Kulang ang agahan, pananghalian at hapunan kapag walang kanin. Tayong mga Pinoy ay nasanay ng kumain na may kasamang kanin ang atng mga ulam upang tayo’y mabusog?

Kung kaya’t napakaganda ng negosyong bigasan kahit marami ang kakumpetisyon dahil halos lahat ng tahanan ay gumagamit ng bigas tuwing nagluluto. At dahil kinokonsumo natin ito, tatlo, paminsan 4 hanggang 5 beses sa isang araw, may bibili at bibili ng bigas.

Paano nga ba mag simula ng negosyong bigasan?

Maari kayo magtayo ng bigasan mismo sa inyong lugar para di na dadayo pa ang inyong mga kapitbahay sa malayo at makakamenos-gastos pa sila dahil mas mura mong maiaalok ang iyong bigas kaysa sa  palengke o supermarket dahil wala kang binabayarang puwesto at buwis. Ang magandang katernong negosyo nito ay sari-sari store. Kung sari-sari stor din ang pag uusapan, maari ka ring magbenta ng tingi-tinging kamatis, calamansi, bawang, sibuyas at itlog na kalimitang nakakaligtaang bilhin kapag namamalengke o nauubusan bigla ng stock. Samahan mo pa ng sigarilyo, autoloading, pandisal, chicheria, de lata, dried fish (tuyo) at iba pa par aka may mini-grocery.

Dahil mas nabibili nang mura ang bigas, kapag binili mo ng wholesale, maari ito ang pangunahing negosyo mo at pumapangalawa na lamang ang sari sari store. Ang anumang mura at mahigpit na pangangailangan ay siguradong tatangkilikin ng tao.