Tuesday, April 15, 2014

NEGOSYONG BUKO JUICE

Created by: James Sarmo

Pinanininwalaang maraming nadudulot na helath benefits ang buko juice. Ang isa na rito ay mainam ito para linisin ang kidney. Dahil sadyang maalat ang Filifino Food, ilan ba sa atin ang namomroblema sa kidney?

Dahil health-concious ang karamihan sa atin, marami ang naghahanap at gustong makainom ng masarap na buko juice kahit araw-araw nilang gawin ito. Maniniwala ba kayong fast-moving item ito sa supermarket dahil marami ang bumibili ng bote bote ng buko juice para inumin buong maghapon?

Itinda mo man ito sa kariton, ipa-consign sa supermarket o magfranchise at magtinda sa mall o daanan ng tao, sa halip na bumili ng softdrinks o maging mineral water, madalas pipiliin ng costumer ang uminom ng buko juice, mainit man o malamig ang panahon.

May tatlong paraan para magbenta ka ng buko juice:

Ang una ay pwede kang maglako sa pamamagitan ng kartion. Maari kang bumili ng buko mula sa murang palengke nang pakyawan at ilagay ito sa iyong kariton. Ikaw ang magbabalat at mag-extract ng buko juice. Pwede mo itong ihalo sa malinis na tubig at asukal di naman kaya’y talupan kung gusto ng costumer mo ang purong buko juice. Kailangan lamang ng kuning pag-iingat s pagtataga ng buko. Siguraduhin na matalim ang iyong itk para mabilis nyong maseserbisyuhanang inyong dumadagsang costumer. Hugasan din ng maige ang mg kagamitang gagamitin.

Kung ayaw mo namang maabala sa pagnenegosyo ng buko juice, maari ka ring magfranchise at sila na bahala sa supplies, equipment at manpower ng iyong buko juice stall. Kapag meron kang capital, madali na ang pagnenegosyo. Pwede mo ring utusan na lang ang iyong tauhan para i-replenish ang supply mo sa buko. Hanapin lang sa search box ng sulit.com.ph(olx.com) ang buko juice franchise at pumili ng negosyon swak sa iyong budget at lokasyon.

Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang farm, maari mo ring tamnan ng buko ang iyong lupa. S paraang ito, sa farm mo na ikaw kukuha ng supply mo ng buko, at maari ka ring magbenta sa maliit na negosyante.

Bukod sa buko juice, marami ring produktong napro-produce ang buko. Walang nasasayang sa bunga ng buko. Kung ito’y nahinog, ibenta ang niyog sa mga palengke. Pwede  ring gawinng bunot. Ang dahon naman ay maaring gawing walis tingting. Maari mo ring pag-aralan kung paano gumawa ng mga bath and body products gaya ng shampoo mula sa buko.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo


______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

No comments:

Post a Comment