Tuesday, April 22, 2014

NEGOSYONG IHAWAN

Posted by James Sarmo

Para sa ibang tao, hassle ang mag-ihaw lalo na’t kapag wala silang oras magluto o ayaw nilang mausukan at mainitan.

Kaya’t ikaw ang mag-iihaw para sa kanila. Karaniwang naghahanap ng taga-ihaw ang isang costumer kapag may handaan o salo-salo sa kanilang bahay. Eto na ang pagkakataon mong kumita nang extra sa simpleng trabaho lang na pag-iihaw.

Maari kang tumanggap ng made to order na ihaw. Itanong lamang sa costumer kung ano ang gusto nyang ipaihaw sa iyo (barbecue, isaw, liempo, posit, manok, bangus o isda, atbp.) Tanungin kung pang-ilang tao at kung malaking servings ba ang kanyang nais. Maaring sia ang mamalengke o ikaw. Kapag maniningil, humingi muna ng downpayment maliban na lamang kung ang tiwala mo sa kanya at may capital ka. Isumatutal ang magagasta para sa sangkap, pampalasa, uling, transportasyon tapos magdagdag ng 10% sa kabuuan ng total ng lahat ng gastusin bilang kabayaran sa pagod mo. Maiging humingi muna ng downpayment bago iluto ang pagkain para makaiwas sa pagkalugi kung sakaling hindi makafull payment ang costumer mo. Maghanada ng resibo kung saan ililista mo ang kanyang downpayment at natitirang balance. Sa pagdedeliver mosa kanya ng mga inihaw, magmark up ng 40% bilang pambayad sa pagod o gasoline at tauhan mo.

Maganda ang negosyong ihawan hindi lamang pag may handaan. Sa tuwing tinatamad o walang oras magluto ang maybahay,bumili na lamang siya ng lutong pagkain. Masarap din ang ihaw-ihaw bilang pulutan. Masarap naming pagkain ang inihaw kapag handaan. Sa katunayan, parang may kulang pag walang inihaw sa hapagkainan. Araw-araw naman ay may nagdiriwang ng kanyang kaarwan. Isama mo diyan ang mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko, bagong Taon, kasalan, despedida atbp.

Pag aralan kung papaano mapapasarap ang marinade na gagamitin. Maari mo munang ipakulo ang karne bago iihaw para lumambot o di kaya’y magdagdag ng siling labuyo at barbecue sauce sa pangkaraniwang toyo at kalamansi na ginagawang marinade. Maari ring gumami ng 9-minute marinator para mas lalong lumambot ang karne at sipsipin ang mga pampalasa.

Kapag may secret at unique recipe ka para sa mga inihaw mong produkto, asahan na dadami ang iyong mga parokyano. Maari ka ring dayuhin ng mga galling sa malalayong lugar matikman lang ang espesyal mong inihaw.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo


______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

No comments:

Post a Comment