Saturday, April 19, 2014

ICE CANDY, ICE TUBIG ATBP.

Posted by James Sarmo>> 

Kapag nakaipon ka ng malaki mula sa iyong sweldo, magandang mag invest sa isang freezer, dahil marami kang pwedeng pagkakitaang negosyo mula rito.

Kung wala pa kayong naipon, maari niyo nang simulant ngayon. Sa p20 kada araw na maipon ninyo x 365 days = P7,300 x 2 years = P14, 600 ay makkabili na kayo ng maayos na freezer maari kayong mainip sa pag iipon pero isipin niyo na lang na madaling lumipas ang panahon. Hindi ninyo basta basta kkitain ang P7,300 sa isang araw sa isang lingo subalit ang P20 kada araw ay patuloy na lumalaki ang halaga kaya’t siguraduhin lamang na madidisiplina ninyo itong ipunin sa isang lalagyan na my kandado o mas mabuti sigurong ihulog sa isang alkansya para hindi kayo matutksong gastusin ito kung pangarap ninyo talagang magkaroon ng freezer.

Once may freezer na kayo, marami kayong iimbak bukod sa sarili ninyong pagkain. Pwede kayong mag imbak ng ice candy na pwede ninyong ibenta ng P2 kada piraso. Patok ito sa mga bata o matandalalo na tuwing summer (hindi naman nagtatapos ang summer sa buwan ng Mayo sa atin dahil likas na mainit sa Pinas). Pwede kayong magbenta ng ice tubig na mabebenta ninyo mula P2 hanggang P3 kada piraso. Mayroon kyong costumer para ditto lalo na  pag lagging puno ang ref ng inyong kapitbahay o di nila kayang bumili ng sariling ref. Maari rin kayong makapagsimula ng meat processing business na kayo mismo ang nag prepare gaya ng chorizo, longganisa, shomai burger patty atbp.

Kapag may nagpapatago ng pagkain sa inyo, maari nyo rin silang singilin ng P10 kada pagkain, listo nyo lang sa isang notebook ang pangalan, cp number ng may ari at markahan ng numero ang plastic na pag lalagyan ng kanyang pagkain. Kailanganng makuha ng costumer ang kanyang pagkain kinabukasan at kapag lumipas, magapatong kayo ng P10 kada araw. Siguraduhin na kina-canvass ninyo ang laman ng inyong freezer at paalalahanan ang may air ng pagkain na kunin niya na ang kanyang pinatago nang di lumilipas sa 2 araw para hi hindi magkapatng patong ang kanyang utang. Pwede ninyo siyang twagan or i-text para –remind. Maiging magkaron ng kayo ng patakaran para hindi mabubulok ang pinatagong pagkain.
Ilista ang mga ice candy, ice tubig at mga pinatagong items sa isang notebook. Maari magkaron ka ng hiwalay na notebook para sa pinatagong pagkain sa mantalang maari mong i-column ang nebebntang ice candy at ice tubig sa hiwalay na notebook. Kada ice candy at ce tubig na maibebenta, magguhit ng I, II, III, IIII.

Consumable ang ice candy, ice buko at meat processing products. Asahan na kailangan ninyong i-replenish ang inyong supply sa freezer kapag marami na kayong suki. Siguraduhin lamang na malinis na tubig at sangkap (hindi double dead ang karne) ang inyong gagamitin. Kahit may kamahalan ang kuryente sa Pilipinas, tutubo kayo kahit papano pag marami na kayong suki na paulit-ulit na bumibili at nagpapatago ng pagkain sa inyo.

Sana po ay nakapagbigay ng kaalaman ang impormasyong eto sa inyo. Tandaan lamang po, hindi sapat ang puhunan, sipag at tiyaga upang magtagumpay sa isang negosyo. Mas mahalaga pa rin ang magkaroon ka ng tamang sistema ,sapat na kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo.
_______________________________________________________________
The above tip is brought to you by James Sarmo, who enjoys helping others make money online. 
>> About James Sarmo


______________________________________________________________

Sponsored Link:

Gusto mo bang matututong kumita gamit ang internet kahit super busy ka pa?Click here>>

No comments:

Post a Comment